Friday, April 22, 2011

Paborito

Ang anak kong si Marcelo ay may paboritong laruan. Siya ay si Green Bear.




Mahal na mahal niya ang berdeng oso na to.

Hindi ko alam baket pero sa lahat ng laruan, ito ang pinakamamahal niya. Kahit na magkaron siya ng iba (ang totoo sandamakmak na ang laruan dito sa bahay), pagdating ng gabi.. isa lang ang binabalik-balikan...


si Green Bear pa rin.


Nakakatuwang isipin na may mga bagay-bagay na darating sa iyong buhay na pawang mapanlinlang. Yung tipong darating pero alam mong panandaliang aliw lang. Oo, masaya ka at meron ka nito. Pero pagkatapos ay mapagsasawaan mo din at kakalimutan.

Dahil hindi lahat ng bagay na ito ay makapagbibigay sayo ng saya at lungkot . Hindi lahat ng bagay na ito ay tumabi sayo sa hirap at ginhawa. At lalung-lalo ng hindi lahat ng bagay na ito ay makakaintindi sa tunay mong pagkatao.

Kung kaya't ngayon naiintindihan ko na kung baket.

ako pala ang Green Bear ng buhay mo... :)

Monday, April 18, 2011

Magmahal ka ng tama


Walang masamang magmahal. Ang totoo.. napakasarap magmahal. Pero isaayos ito.

Hindi porke't nagmamahal ka, ito ay tama. Lumugar ka. Hindi lahat ng pagmamahal ay tama kaya nga may bawal na pag-ibig.

Baket nga ba nagiging bawal?

  • Kung may asawa na ang iyong kalaguyo.. magtigil ka na.
  • Kung may girlfriend yung tao, maghunus-dili ka. Hindi mo kelangan karirin ang pag-agaw. Matakot ka sa karma teh!
  • Kung may asawa't anak -- lalo kang mahiya. Pampanira ka ng pamilya.

Hindi sa ako ay nagmamalinis.. pero kahit na gaano ko kamahal ang tao, pero alam kong masaya na siya sa piling ng iba, masaya na rin ako. Hindi ko ikakaila na iniisip ko siya paminsan-minsan at winiwish ko na sana ako ang babaeng yun.. pero ganoon talaga ang buhay...

Tapos na ang maliligayang araw namin. Nabigyan na kame ng tyansa upang isaayos ang relasyon namin pero hindi kame nagkatugma sa aming mithiin. May mga dahilan na Diyos lang ang nakakalaam kung baket ito nangyari. Pero nangyari na ang nangyari. Huwag ng sariwain ang nakalipas. Huwag ka ng mangalabit. Alam mo namang walang patutunguhan.

Kung kaya't kung ako sayo.. magtigil ka na.. maghunus-dili ka at matuto kang mahiya.

Maganda ka. Mabait ka naman siguro. Matalino. Maraming lalaking pwedeng umibig pa sayo. Huwag ka munang magpanic buying. Kahit iniisip mong expired ka na.. Umayos ka.

Kung para sa'yo, para sa'yo. Darating lang ang tunay at maaliwalas na pag-ibig ng hindi mo inaasahan... ng hindi ka naninira ng relasyon ng iba... ng wala kang nasasaktan.

Yung lalaking mapagmamalaki mo sa buong pamilya mo. Yung hindi ka ikinahihiya na may anak ka sa pagkadalaga. Yung tatanggapin ka ng buong-buo at tanggap ka ng pamilya niya.

Magmahal ka ng nararapat.. para bumalik din ito sayo.

Tuesday, April 12, 2011

Bieber Fever

Okay, my 4 year old son is the fan.. not me.. well, it all changed after watching Never Say Never last Sunday.

Can't help but adore the guy. He's really one talented, young lad you'll surely love.

This is the song I've been playing over and over last night while working...

 

Blog Template by BloggerCandy.com