Sa totoo lang, hindi ko naman sinasadya. Ayaw ko na ngang pumunta. So bakit pa ako pumunta? Napilitan akong pumunta dahil sa anak ko. Natural tatay niya yun. Kaarawan ng tatay niya... so kailangan pumunta. Nang-imbita ang lola eh, anong magagawa ko? Pero sa totoo ayaw ko talaga.
Hindi ko na nabili ang dapat kong bibilhin para sa kanya. Hindi na ako nag-effort kahit gustuhin ko. Hay buhay.
Sabi niya sa akin gusto niya mapag-isa.
Natagpuan ko siyang tulog nung kami'y dumating. Nung ginising ko siya tinanong ko siya... Anniversary pala ng pagkakaibigan niyo. 1 yr na pala kayong nagkakape. Bwisit ang bungad sa akin. Galit na galit at tantanan ko daw siya. Huwag daw ako makulit. Nagdabog. Nagpapalabas sa kuwarto. Nagsusumigaw na parang hari.
Sa totoo hindi ako nakikipag-away. Siguro nang-aasar lang. Eh, sa asar din ako, baket ba?
Pero ako'y napaluha. Alam kong babanggitin mo dapat ang di ko gusto marinig. Pero di ko alam ano ang nagpigil sayo para hindi sabihin ito.
Makulit ako. Deal with it. Ganon talaga ako. Ngayon kung hindi mo talaga kaya ang kulit ko... Ganon talaga ang buhay. Hahanap-hanapin mo din ang kulit ko akala mo. Dahil pag hindi na kita kinulit, wa na ako pake.
Minsan iniisip ko kung bumalik ako sa dati. Walang pakialam. Magkasama tayo sa iisang bubong, pero walang pakialamanan. Gawin ko gusto ko, nagagawa mo gusto mo. Walang sabihan kung anong trip. Ganon lang. Kaso hindi siya relasyon. Wala lang. Andun lang ako, pero parang hindi.
Napapaisip ako ngayon kung ano ang dapat kung gawin. Siguro nagpupumilit ako.. pinipilit ko ang hindi pa pwede. Naalala ko tuloy yung isa kong telepono. Pinipilit ko siyang ayusin. Hindi ko alam ano pumasok sa utak ko at pilit kong binubuklat ung casing niya.. ayan tuloy nasira!
Ganito rin kaya tayo? Habang pinipilit ayusin.. ayan lalong nasisira?!?
Payo nila hayaan kita.
Ang isip ko naman: Ayaw ko.. paano na ako?
Kasakiman ba ito? Selfishness on my part? Mukha nga akong tanga... kasakiman pa rin?
Kung praktikal ka, alam mo na ang dapat mong gagawin.. pero hindi. HINDI KA PRACTIKAL.
Ako? Martyr daw ang tawag sa akin. Binabaril sa Luneta. hahaha.. Kelan kaya ako matatauhan?
Lintek na pag-ibig yan. Lalong pinipilit, lalong nasisira. Leche!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment