Monday, April 18, 2011

Magmahal ka ng tama


Walang masamang magmahal. Ang totoo.. napakasarap magmahal. Pero isaayos ito.

Hindi porke't nagmamahal ka, ito ay tama. Lumugar ka. Hindi lahat ng pagmamahal ay tama kaya nga may bawal na pag-ibig.

Baket nga ba nagiging bawal?

  • Kung may asawa na ang iyong kalaguyo.. magtigil ka na.
  • Kung may girlfriend yung tao, maghunus-dili ka. Hindi mo kelangan karirin ang pag-agaw. Matakot ka sa karma teh!
  • Kung may asawa't anak -- lalo kang mahiya. Pampanira ka ng pamilya.

Hindi sa ako ay nagmamalinis.. pero kahit na gaano ko kamahal ang tao, pero alam kong masaya na siya sa piling ng iba, masaya na rin ako. Hindi ko ikakaila na iniisip ko siya paminsan-minsan at winiwish ko na sana ako ang babaeng yun.. pero ganoon talaga ang buhay...

Tapos na ang maliligayang araw namin. Nabigyan na kame ng tyansa upang isaayos ang relasyon namin pero hindi kame nagkatugma sa aming mithiin. May mga dahilan na Diyos lang ang nakakalaam kung baket ito nangyari. Pero nangyari na ang nangyari. Huwag ng sariwain ang nakalipas. Huwag ka ng mangalabit. Alam mo namang walang patutunguhan.

Kung kaya't kung ako sayo.. magtigil ka na.. maghunus-dili ka at matuto kang mahiya.

Maganda ka. Mabait ka naman siguro. Matalino. Maraming lalaking pwedeng umibig pa sayo. Huwag ka munang magpanic buying. Kahit iniisip mong expired ka na.. Umayos ka.

Kung para sa'yo, para sa'yo. Darating lang ang tunay at maaliwalas na pag-ibig ng hindi mo inaasahan... ng hindi ka naninira ng relasyon ng iba... ng wala kang nasasaktan.

Yung lalaking mapagmamalaki mo sa buong pamilya mo. Yung hindi ka ikinahihiya na may anak ka sa pagkadalaga. Yung tatanggapin ka ng buong-buo at tanggap ka ng pamilya niya.

Magmahal ka ng nararapat.. para bumalik din ito sayo.

5 comments:

Amie said...

Chel, I like this post. marami makaka relate d2..

je said...

True! Ito ba yung napag usapan natin nung isang araw? Ayan, napa blog ka tuloy. Hehe

Chel said...

Thanks Ate Amie!

There's no really no problem with loving a person you can't have. What's wrong is if you do something about it. Nakakainis ang mga taong walang konsensya quesehodang may masaktan sila para lang maging masaya sila.

Chel said...

@je - uhuh..

sagot ito sa isang blog post na nagpapatukoy sa pagmamahal bilang isang kabit. idaan pa sa suggestions eh yun naman ang gawin.

topak said...

hay naku cuz...kulang pa yata ang serenitea natin. tara na serenitea na ulit. hahaha.

ganun yata talaga. may mga taong sadyang pinanganak na walangya at makapal mukha. yung inggitera kaya mang-aagaw ng hindi naman sa kanila. bongga pa dyan, persistent sila teh! and take note, sila pa mayabang. ganun talaga, may mababa na IQ mababa pa EQ. hahaha.

i feel for you cuz pero ikaw din mag-isip ka. cause you have to admit, it takes 2 to tango and this isn't the first time this happened. wala lang...just something to think about. :*

 

Blog Template by BloggerCandy.com