it was just a glimpse of what life could be
it's not me who would decide of it
but you..
can you?
that's what we don't know.
if maybe you're brave enough..
you would..
but can you?
leave the ego behind
leave the bachelor behind
love me and let me
can you?
Tuesday, October 21, 2008
Saturday, October 11, 2008
Christmas Wish List
It's October already...
and I would like to list down as early as now the things I want..
so, come and sing with me...
"All I want for Christmas is..."
actually are ata to.. hahahah... list kase eh! at nde 2 front teeth no.. okay pa naman mga ngipin ko..
pero heto sila...
and I would like to list down as early as now the things I want..
so, come and sing with me...
"All I want for Christmas is..."
actually are ata to.. hahahah... list kase eh! at nde 2 front teeth no.. okay pa naman mga ngipin ko..
pero heto sila...
- Nokia E51 - sira na yung v3x ko. :( eh wala akong extra phone. this is the cheapest phone with wlan function. nalaman ko lang to sa kachat ko. sabi niya meron daw siya bago and 50% off daw niya binebenta. perks of the job kaya meron siya nito. eh wala pa akong ganong pera as of now eh. ang layo layo pa ng ng 13th month pay! huhuhu... mabait naman ako sir eh.. pwede bang ikaw na lang Santa ko? Gud gel naman po ako.. please? please? pretty please?!?
- Brush Tool Belt - tagal ko ng gusto ko magkaron nito. kungsabagay as of the moment, mejo busy ako sa work.. hindi ko magawa tong racket na to na gustung-gusto ko.. huhuhu.. pero kahit na gusto ko pa rin magkaron para pag kelangan ko na.. ready na.. malapit na Christmas eh. so malamang pwede na akong rumaket ulit.. hahaha.. party-party.. lol..
- Pillows - soft, fluffy, white pillows.. pwede madami? hahaha.. wala kameng unan ng anak ko eh! lol..
- Tiffany Necklace - nag-iinarte lang ako.. matagal ko na tong gusto. kahit yung kaparehas lang pero mas okay kung yung original. hahaha...
- Adidas Lasalle Jacket - preferable white. 3 na kase yung green kong jacket. over na over na ako sa green kung bibili pa ng isa diba? hehe.. gusto ko yung may hood.
- DIY mineral make-up kit - matagal ko ng gusto matuto nito at gumawa. wala kase dito nabibili sa US lang. pwede na yung sa Ocean Mist.. pero kung mas may budget.. preferred ko ung sa TKB. feeling ko mas kumpleto.. everything-you-need eh!
- Pasta Machine - I-oh-so-want to learn how to make accessories and whatever knick-knacks with polymer clay. My bro has a pasta machine.. but of course, that's for his pasta. I want one of my own for my clay stuff if ever I would pursue this endeavor
- Polymer Clay - people say that Premo is a good brand. I haven't touched any polymer clay yet so whatever polymer clay you want to give me is fine with me!
- Yaya - sana magkaron na ako ng all-around-yaya na mabait, maalaga, at mapagkakatiwalaan. this is to keep me sane on some trying times that my son is being tough or hard to handle. I love my kid. But I still need the extra help. Hindi ko pa nakukuha yung superpowers ng nanay ko na kaya gawin ang lahat eh!
Friday, October 10, 2008
thank you!
uhmm.. meron ako dapat iboblog dito nung weekend. kaso hindi ko nasave yung mga pinagsusulat ko.
sayang!
pero ok lang. matatawa ka lang kase sa lukso ng aking damdamin. haha.
oh well, hindi ko na ulit nasubukan ulitin kung ano man yung dapat kong isulat, dahil tinamad ako.
nasira kase ang telepono.
hahaha..
pero etong blog kong ito ay para sayo.
ako'y iyong pinangiti.. :)
ng di mo lang alam.
ng dahil sayo, nalaman ko na espesyal pa rin pala ako. or pwede pa rin akong maging espesyal sa mata ng iba.
na may humahanga pa rin pala saken.
na pwede pa rin pala na may magkagusto saken.
kahit ako'y..
isang dalagang ina.
---
natuwa ako nung nagkita tayo. kase ang tagal-tagal nung tayo ay huling nagkita. hayskul pa yun no! at natatawa ako sa mga kwentuhan natin kase nga ang nerdy-nerdy mo pa nun eh.
hmm.. di ko alam kung gradeskul o hayskul un pero, dati nagkakausap tayo sa telepono dahil nga sa aking kaibigan.
heniwei...
maraming salamat at ikaw ay aking kaibigan.
ako'y iyong pinangiti.
abot hanggang tenga.
peksman.
salamat sa pag-intindi sa nararamdaman ko.
ako'y iyong pinangiti.
abot hanggang tenga.
peksman.
salamat sa pag-intindi sa nararamdaman ko.
mahirap man aminin pero eto kase yung totoo eh..
marts pa rin.
Thursday, October 9, 2008
"Kung dalawa ang mahal mo,
mas piliin mo yung pangalawa
kase hindi ka naman maghahanap ng iba
kung mahal mo talaga ang una."
mas piliin mo yung pangalawa
kase hindi ka naman maghahanap ng iba
kung mahal mo talaga ang una."
siguro may katotohanan itong mga katagang ito.
pero nalulungkot ako. nakakalungkot kase ang kanyang ibig sabihin.
para sa isang taksil na kagaya ko..(oo, naging taksil ako minsan sa buhay ko.. hindi ko siya pinagmamalaki pero hindi ko na siya mapagkakaila)
minsan sa buhay natin dumadating ang pagsubok. ang pagsubok na nagmamahal ka pero ang taong mahal mo ayaw sayo.
dumadating din ang pagkakataon na kayo pa pero may dumadating na iba. hindi mo maiwan ang isa dahil mahal mo naman siya pero ayaw mo na manggaling sayo na ayaw mo na. at sa isa, hindi mo rin naman mahindian. dahil nga gusto mo siya. pwedeng nahulog na ang loob mo, nainlababo ka na.
pero dumadating din ang oras na kayo pa (pwedeng hindi na rin kayo) tapos nagsisimula ka na sa panibago at eto ang punto na babalik na sayo ang mahal mo.
masakit. sa isip. sa puso. sa ulo. pati siguro sa puson.
sino ang pipiliin mo?
---
meron akong malapit na kaibigan na ganito ang kanyang sitwasyon. ayaw naman niya manggago. pero siguro ang sarili niya ang kanyang ginagago.
---
sabi ko nga kanina, minsan sa buhay ko ako'y naging taksil.
minsan pag inisip mo akala mo maganda ang pakiramdam ng taong nagtataksil. hindi kaya.
baket kamo?
magulo ang utak ng isang taksil. hindi siya makapagdesisyon kung sino ba talaga ang pipiliin niya sa mga pagpipilian.
pero nakakaramdam din siya ng saya. aba, shempre, pagkaguluhan ka ba naman diba. pag-awayan ng iba. parang ang haba-haba ng buhok mo abot hanggang sa kahabaan ng edsa.
---
ako'y nagtaksil. pero ako'y pinagtaksilan din.
naramdaman ko ang sakit at pagdurugo ng aking puso 10x over ng naramdaman ko nung ako'y nangaliwa.
hindi naman masaya ang magkaron ng iba bukod sa mahal mo eh.
pero nung ako naman ang napindeho. ang sakit. nagdugo. namanhid. ang aking puso.
ang tawag diyan ng iba karma.
nasaktan ako nung nalaman ko. kaya nung umamin sakin, masakit pero hindi na masyado.
pero sino niloko ko?
---
andito ako sa punto ng buhay ko na ako'y nagtatanong sa sarili ko kung gusto ko pa ba magmahal muli?
kaya ko pa ba higitan ang pagmamahal at pagmumukhang tanga na ginawa ko dati?
meron pa kayang magpapangiti sa akin at hindi ako paluluhain?
meron pa kayang tatanggapin ako kung sino ako?
o ako'y makuntento na lang kaya dito sa isang sulok.
maghintay.
mag-abang.
at baka sakali may magparamdam.
may bumalik.
at ako'y mahalin muli.
Subscribe to:
Posts (Atom)