"Kung dalawa ang mahal mo,
mas piliin mo yung pangalawa
kase hindi ka naman maghahanap ng iba
kung mahal mo talaga ang una."
mas piliin mo yung pangalawa
kase hindi ka naman maghahanap ng iba
kung mahal mo talaga ang una."
siguro may katotohanan itong mga katagang ito.
pero nalulungkot ako. nakakalungkot kase ang kanyang ibig sabihin.
para sa isang taksil na kagaya ko..(oo, naging taksil ako minsan sa buhay ko.. hindi ko siya pinagmamalaki pero hindi ko na siya mapagkakaila)
minsan sa buhay natin dumadating ang pagsubok. ang pagsubok na nagmamahal ka pero ang taong mahal mo ayaw sayo.
dumadating din ang pagkakataon na kayo pa pero may dumadating na iba. hindi mo maiwan ang isa dahil mahal mo naman siya pero ayaw mo na manggaling sayo na ayaw mo na. at sa isa, hindi mo rin naman mahindian. dahil nga gusto mo siya. pwedeng nahulog na ang loob mo, nainlababo ka na.
pero dumadating din ang oras na kayo pa (pwedeng hindi na rin kayo) tapos nagsisimula ka na sa panibago at eto ang punto na babalik na sayo ang mahal mo.
masakit. sa isip. sa puso. sa ulo. pati siguro sa puson.
sino ang pipiliin mo?
---
meron akong malapit na kaibigan na ganito ang kanyang sitwasyon. ayaw naman niya manggago. pero siguro ang sarili niya ang kanyang ginagago.
---
sabi ko nga kanina, minsan sa buhay ko ako'y naging taksil.
minsan pag inisip mo akala mo maganda ang pakiramdam ng taong nagtataksil. hindi kaya.
baket kamo?
magulo ang utak ng isang taksil. hindi siya makapagdesisyon kung sino ba talaga ang pipiliin niya sa mga pagpipilian.
pero nakakaramdam din siya ng saya. aba, shempre, pagkaguluhan ka ba naman diba. pag-awayan ng iba. parang ang haba-haba ng buhok mo abot hanggang sa kahabaan ng edsa.
---
ako'y nagtaksil. pero ako'y pinagtaksilan din.
naramdaman ko ang sakit at pagdurugo ng aking puso 10x over ng naramdaman ko nung ako'y nangaliwa.
hindi naman masaya ang magkaron ng iba bukod sa mahal mo eh.
pero nung ako naman ang napindeho. ang sakit. nagdugo. namanhid. ang aking puso.
ang tawag diyan ng iba karma.
nasaktan ako nung nalaman ko. kaya nung umamin sakin, masakit pero hindi na masyado.
pero sino niloko ko?
---
andito ako sa punto ng buhay ko na ako'y nagtatanong sa sarili ko kung gusto ko pa ba magmahal muli?
kaya ko pa ba higitan ang pagmamahal at pagmumukhang tanga na ginawa ko dati?
meron pa kayang magpapangiti sa akin at hindi ako paluluhain?
meron pa kayang tatanggapin ako kung sino ako?
o ako'y makuntento na lang kaya dito sa isang sulok.
maghintay.
mag-abang.
at baka sakali may magparamdam.
may bumalik.
at ako'y mahalin muli.
0 comments:
Post a Comment