Saturday, November 22, 2008

Bwisit!

I'm never been this pissed off with a relative.

Well, other than with my brothers who I often quarrel with every so often.

This one takes the bait...

---

Ayaw ko sa taong pakialamera. Dahil hindi naman ako mahilig makialam sa buhay ng buhay.
Sinasabi mong nagmamalasakit ka lang sa nanay ko. Sobra naman ata yung pamamalasakit mo. Wala namang masama dun. Pero kung araw-araw o oras-oras na makikita mo ako eh yun ang binabanggit mo o tinatanong mo, nakakairita.

Alam ko malaki ang utang na loob ko sayo. Tinulungan mo ako noong panahong nangangailangan ako ng tulong. Pero nakakapagtaka naman talaga kase yung malasakit mo sa SSS pension ng nanay ko.

Atat na atat kang maasikaso yun. Ang nanay ko nga hindi ako kinukulit eh. Ipapaalala ko lang...PERA niya yun ha! At ang pagkakaalam ko kase gagastusin yun sa pagpapaayos ng bahay o pangdown kung kukuha ng condo.

Hindi naman kame nagmamadaling kunin yung pera. Dahil once nagmadali kame, pag nakuha na yun baka magastos kagad... eh may pinaglalaanan nga diba?

Oonga, wala ka kamo interes dun at nagmamagandang loob ka lang para sa amin. Sinasabi mong nagpapakahirap nanay ko sa Tate para sa amin. Naiinis ka at kung anu-ano ang pinapadala ng magulang ko para sa amin. Kinakargo pa kame. Nagkakasakit daw ang nanay ko dahil sa amin.

Nanay ko yun. Magulang ko. Kung ano man ang gusto niyang ibigay sa aming mga anak niya, wala ka na dun. Pera niya yun eh. Kung may ibigay siya, wala kang magagawa. Kung gusto niya kame i-spoil, wala kang pakialam. Kung pano niya kame palakihin, wala ka na rin dun.

Ngayon ang SSS ng nanay ko pera niya yun. Kung mayroong mga makikinabang dun, kame yun. Pamilya namin. Kung kame nga na makikinabang dun eh hindi nagmamadali kunin yun, ano bang nasa tumbong mo at kating-kati ka malakad yun?

Balak namin na kunin ito as lump sum. Gagamitin siya pandagdag sa pagpapagawa ng bahay o pagbili ng condo. Ako ay magloloan sa Pag-ibig para dito. Ang lahat ng ito ay balak namin ayusin sa susunod na taon.

Nagsumbong ako sa nanay ko. Di ko alam kung tama pero sinabi ko na rin.

---

I'm quite calm now... I just arrived home but I'll be leaving again. Will be going back to Ate Anne's place. Celo is there with his dad.


























1 comments:

Anonymous said...

di dapat makialam ang relative ninyo. kahit kapatid pa siya ng nanay mo, di sya dapat manghimasok sa buhay ninyo. lalo na sa pera na binibigay sa inyo. your mom is spoiling you and your siblings coz may pagkukulang sya,wala siya dito, so yun ang way niya. at walang pakialam dapat yung kamag anak ninyo.

kung kukuha kayo ng bahay or condo, make sure malayo dun sa kamag anak ninyo dahil baka araw-araw, putakan pa rin kayo. inggit yon kaya ganon. kaya pati sss ng nanay mo pinag iinteresan. wala siyang pakialam dun dahil sariling pera ng nanay mo yon. kung bibigyan siya ng nanay mo, pasalamat siya. kung hindi naman, manahimik sya.

sino ba yan at ang kapal naman ng mukha? kung kapatid siya ng nanay mo, wala pa rin siyang karapatan sa pera niya dahil siguro naman matanda na rin siya. dapat may sarili syang pera at sariling buhay na dapat niyang intindihin.

bwisit nga yan. dapat dyan minumura. intindihin niya buhay niya hindi yung buhay ninyo. pag paulit-ulit ginawa sa inyo, magsalita na kayo. sabihin mo lang na wala syang karapatan at wala siyang dapat panghimasukan dahil di naman siya magulang ninyo at kung yung nanay niyo nga bigay ng bigay sa inyo, anong pakialam niya.

sarap sapakin nyan. inggitera yan!

 

Blog Template by BloggerCandy.com